^

Probinsiya

Kandidato sa pagka-mayor inaresto!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kandidato sa pagka-mayor inaresto!
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Amy Ana De Villa-Rosero ng Regional Trial Court, Cavite City noong Nobyembre 6, 2018, dinakip ng mga operatiba ng Warrant at Intelligence Unit si Chairman Joemel Pulido, 40-anyos na kumakandidato sa pagka-mayor sa nasabing bayan at residente ng General Trias Drive, Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Sa paghakot ng mga botante

CAVITE , Philippines  —   Isang barangay chairman na tumatakbo sa pagka-alkalde para sa mid-term elections ang inaresto ng pulisya dahil sa umano’y paghahakot ng kanyang botante ng nakalipas na Barangay at SK elections sanhi ng kanyang pagkapa­nalo sa isinagawang operasyon ng Rosario Police sa Brgy. Tejeros Convention, nasabing bayan kamakalawa ng hapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Amy Ana De Villa-Rosero ng Regional Trial Court, Cavite City noong Nobyembre 6, 2018, dinakip ng mga operatiba ng Warrant at Intelligence Unit si Chairman Joemel Pulido, 40-anyos na kumakandidato sa pagka-mayor sa nasabing bayan at residente ng General Trias Drive, Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Ang pag-aresto kay Pulido ay base sa kasong paglabag umano nito sa Ominibus Election Code sa ilalim ng Section 261.

Ayon sa pulis­ya,  lumabag ang tserman nang gumamit umano siya ng tatlo niyang tricycle at personal na pinik-ap ang mga botante sa mismong araw ng eleksyong pambarangay noong nakalipas na taon para sa sariling interes bilang kandidato sa pagka-tserman. 

vuukle comment

JOEMEL PULIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with