^

Probinsiya

Habal-habal driver kalaboso sa rape

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGASPI CITY, Albay, Philippines — Swak sa kalaboso ang isang 27-anyos na habal-habal  driver matapos ireklamo ng 15-anyos na dalagita na tinangka niyang gahasain sa loob ng sementeryo sa Brgy. Buyo sa bayan ng San Fernando, Masbate, kamakalawa ng hapon.

Hindi na nakapalag nang makorner ng tumutugis na mga pulis ang suspek na kinilalang si Adrian Sit Almocera, residente ng Brgy.Pinamoghaan. Sa ulat, dakong alas-5:25 ng hapon nagsumbong sa mga pulis ang takot na takot na biktimang itinago sa pangalang ‘Nene’ residente ng Brgy. Baybay Dagat makaraang tangkain umano siyang gahasain ng suspek.

Ayon sa salaysay ng biktima habang nasa loob siya ng Civil Cemetery sa Brgy. Resureccion nang dumating ang suspek na armado ng baril at tinangka siyang gahasain. Gayunman, nakatakas ang dalagita at nakapagsumbong sa mga pulis.  Sa ginawang police operation nakorner ang suspek sa Brgy. San Fernando at nabawi ang isang kalibre .38 baril na may lamang tatlong bala. Nakakulong at sinampahan na ng kaso ang suspek.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with