2 ‘tulak’ todas sa shootout
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2018 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos na makipagbarilan sa pulisya sa magkahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Cabiao at lungsod na ito kamakalawa at kahapon ng umaga. Sa ulat ng Cabanatuan Police, ang napaslang sa buy-bust operation ay si Fernan Mactal, nasa hustong gulang, ng Purok Matatag, Brgy. Pambuan, Gapan City habang nakatakas ang isang kasama nito sakay ng isang motorsiklo. Samantala sa Cabiao, napatay din ang drug suspect na si Manolo Sison habang ang kasama nitong si alyas “Toto” ay nakatakas lulan din ng Bajaj motorcycle. Ayon sa Nueva Ecija Police, alas-11:45 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang buy-bust laban kay Sison sa Brgy. San Fernando Sur, Cabiao, NE at dakong alas-4:15 ng madaling araw kahapon naman nang isagawa ang kahalintulad na operasyon laban kay Mactal sa St. Joseph St., Brgy. Zulieta, Cabanatuan City. Matapos na magkabilihan ng shabu ang mga suspek at nagpanggap na buyer na pulis, kapwa nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya’t nauwi ito sa barilan.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with