2 tumba, 3 timbog sa drug ops
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2018 - 12:00am

BULACAN , Philippines — Dalawang umano’y notoryus na tulak ng shabu ang nasawi habang tatlong iba pa ang nadakip matapos ang isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Bagong Buhay, San Jose Del Monte City at Brgy. Malipampang, San Ildefonso ng lalawigan.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Jayson Udal,  ng Brgy. Bagong Buhay at nakatala sa Badac watchlist at Ronaldo Escalona alyas Muka, ng bayan ng San Ildefonso. Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr., dakong alas-11:50 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Udal sa bahay nito.

Habang nagkakaabutan ng droga at buy-bust money ay nakahalata na naging dahilan upang tumakbo ito sa loob ng kanyang bahay saka kinuha ang armas ngunit naging maagap ang pulisya na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Samantala, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang makabili ang poseur buyer na pulis kay alyas Muka ng droga hanggang sa makahalata ito at paputukan ang mga pulis na nagresulta ng shootout na ikinabulagta nito. Narekober sa lugar ang dalawang .38 revolver, mga basyo ng bala, ilang sachet ng shabu, mga plastic residue, 2 tig-P500 pisong marked money, isang motorsiklong Yamaha MIO (AC-39547) at helmet.

Nadakip sa operasyon ang tatlo pang suspek na sina Melchor Delos Reyes, 32, at Mark Mercado, 33, pawang ng Brgy.Bambang, Bocaue at Reynaldo Caldino, 67, ng Brgy.Taal, Pulilan at nakumpiska sa kanila ang 9 sachet ng shabu at marked money.

DRUG BUY-BUST-OPERATION DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with