^

Probinsiya

Ex-kagawad, 6-anyos anak inambush ng tandem!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ex-kagawad, 6-anyos anak  inambush ng tandem!
Patuloy na inoobserbahan sa Our Lady of Lourdes Hospital sa bayan ng Daet ang mag-ama na kinilalang sina Abner Escio, 56, at Lance Escio, pawang residente ng nasabing barangay.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Kritikal na isinugod sa ospital ang isang dating konsehal ng barangay at ang 6-anyos na anak matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen habang sakay ng kanilang multicab sa kahabaan ng national highway ng Purok 2, Brgy. San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Patuloy na inoobserbahan sa Our Lady of Lourdes Hospital sa bayan ng Daet ang mag-ama na kinilalang sina Abner Escio, 56, at Lance Escio, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-3:15 ng hapon, lulan ang mag-ama ng kanilang sasakyan nang biglang tumigil sa kanilang harapan ang dalawang gunmen na nagkunwaring nasiraan ng motorsiklo.

Gayunman, nang tumigil din ang mag-ama, biglang tumakbo palapit habang bumubunot ng baril ang isa sa suspek at pinagbabaril sila sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Makaraan ang pamamaril, tumakas ang mga gunmen sa ‘di malamang direksyon habang isinugod naman ng mga sumaklolo ang mag-ama sa pagamutan.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng hindi pa ma­lamang kalibre ng baril habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang motibo sa pamamaril at ang mga nasa likod nito.

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with