^

Probinsiya

Lolong rapist ng anak, inutas ng ina sa Mother’s Day!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Wa­lang bahid ng pagsisisi ang nababakas sa mukha ng isang 42-anyos na ina na nagdaos ng Mother’s Day sa kulungan matapos niyang utasin ang sariling biyenang lolo na inakusahan niyang gumahasa sa anak nitong 18-anyos sa Brgy. Cabcaburao, Burgos, Ilocos Sur kamakalawa. ?

Sinabi ni Sr. Insp. Leonilo Ancheta, hepe ng Burgos Police na sumuko sa mga nagrespondeng pulis ang suspek na si Ginang Elvira Costales, tubong Kalinga matapos niyang pagpapaluin ang ulo si Leoncio Costales Sr., 78, habang natutulog sa kuwarto nito dakong alas-9:00 ng umaga. ?

Ayon sa misis, inunahan niyang iligpit ang matanda nang magbantang papatayin siya at ang kanyang dala­gang anak sa sanda­ling isusuplong nito ang ginawang kahalayan sa apo.?

Isinugod ang nasabing lolo sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan pero idineklarang patay habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

KULUNGAN

MOTHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with