^

Probinsiya

Sundalo sugatan sa pagsindi ng pla-pla

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang Philippine Army trooper at dalawang siyam-na-taong-gulang ang sugatan sa pagpapaputok sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Kahit ipinagbabawal, nasugatan ang kanang hinlalaki ni Private First Class Ian Canapang matapos niyang sindihan ang pla-pla nitong Pasko.

Dinala ang 26-anyos na si Canapang sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City upang magpagamot.

Samantala, isinugod din sa kaparehong ospital si Ranier Lumpio Gamongan nang masabugan ng boga.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang palad si Gamongan na residente ng Purok 6, Bulanao.

Biktima naman ng ipinagbabawal na Piccolo si Wilmer Ollier Elardo.

Nangunguna sa listahan ang Piccolo sa mga pangunahing sanhi ng firework-related injuries sa bansa. Karamihan ng biktima nito ay mga bata dahil sa dali ng pagbili at paggamit nito na parang pagsisindi lamang ng posporo. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with