^

Probinsiya

Banana plantation sinunog ng NPA

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Umaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang plantasyon ng Dole Philippines Incorporated sa Barangay Casisang, Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa. Gayunman, nasa ligtas na kalagayan ang mga kawani ng kompanya kung saan sinunog ang portable banana processors mismo sa loob ng plantasyon. Inamin ni Capt. Norman Tagros ng 403rd Infantry Battalion ng Phil. Army na nalusutan sila kasama ang pulisya ng mga suspek kahit nasa high alert ang state forces at mayroong combat operations laban sa NPA rebs sa hindi kalayuan sa nasabing lugar. Napag-alaman na nasa full alert status ang militar at pulisya dahil sa intelligence information na magsasagawa ng malawakang pag-atake ang mga rebelde dahil sa nalalapit na anibersaryo ng NPA rebs sa Disyembre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with