^

Probinsiya

Welder pisak sa backhoe

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGASPI CITY, Albay, Philippines — Napisak ang dibdib ng isang 35-anyos na welder matapos maipit ng backhoe habang nagwe-welding ng pintuan ng kanilang gusali sa Globe Coco Products Manufacturing Corporation sa Brgy. Lidong, Sto. Domingo, ng lalawigan kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Rodel Ballatan, ng Brgy. San Roque. Sa ulat ni Chief Inspector Arthur Gomez, hepe ng investigation division ng Albay Police, dakong alas-8:45 ng umaga habang nagwe-welding ang biktima sa ikinakabit na accordion door sa pintuan ng kanilang building nang hindi nito maabot ang itaas na bahagi kaya nagpatulong siya sa operator ng bucket loader para sumampa sa heavy equipment. Gayunman, habang nakatayo ang biktima sa ibabaw ng bucket loader ay hindi agad naka-preno ang operator na si Rex Balabaldo sanhi upang  maipit ang katawan nito sa pagitan ng bakal na loader at itaas na bahagi ng pinto na siya nitong ikinamatay. Sumuko naman agad ang operator sa pulis na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with