^

Probinsiya

Turismo sa Subic palalakasin ng bagong investor

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT ZONE , Philippines  – Isang bagong investor ng Subic Bay Yacht Club (SBYC) ang nagpaplanong magdagdag ng bagong tourism attractions kabilang na ang isang casino upang hikayatin ang mga turistang mula China at iba pang bansa sa Asya na magtungo sa Subic Bay.

Sa share signing ceremony na ginanap sa SBYC theater noong Sabado, sinabi ni Desmond Yap, mula sa Malaysia kasama ang iba pang businessmen mula Vietnam, Taiwan at iba pa na may 100-200 turista mula China ang dadalhin nila sa umpisa at aabot sa 500 hanggang 1,000 sa kalaunan kada buwan.

Si Yap kasama ang ibang investors ay nagpasok ng bagong puhunan SBYC sa pamamagitan ng Subic Dragon Town.

Ang Subic Dragon Town ay dating member ng SBYC sa pamamagitan ni Jaqcueline Weber na siyang pu­mirma sa kontrata katuwang si Atty. Francis Antonio ng SBYC.

“Marami kaming ma­gagawa dito sa Subic, ani Yap, kasama na umano ang luxury parties, jungke attractions at watersports at isang casino sa yacht club.

Ayon naman kay Melvin Lim, ang grupo nila ay nauna ng nanguha ng local na partner at nagbukas ng negosyo sa Indonesia, Thailand, Cambodia, Vietnam, Malaysia at Pilipinas.

“Pinili namin ang Subic at naghanap ng partner  upang mag set-up ng negosyo dahil dito ay maganda ang seguridad, transportasyon at kapaligiran,” pahayag pa ni Lim.

“Napakaganda ng potensyal ng Subic,” ang sabi naman ni Yap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with