X-ray technician, pinabulagta
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2016 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng mga hindi kilalang lalaki ang 53-anyos na kawani ng ospital ng gobyerno matapos itong ratratin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Maligaya, bayan ng Echague, Isabela kahapon ng umaga. Base sa ulat ni P/Supt. Manuel Bringas, kinilala ang biktima na si Oswaldo Sinon, X-ray technician sa Echague District Hospital. Lumalabas sa imbestigasyon na papasok sa kanyang trabaho si Sinon nang tambangan  habang narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 Armalite Rifle. Sinisilip ng pulisya ang anggulong personal na alitan na may kinalaman sa trabaho ng biktima.

ISABELA X-RAY TECHNICIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with