Market guard kisay sa kuryente
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2016 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines – Nauwi sa pagluluksa sa 54-anyos na market guard matapos itong makuryente habang namimingwit ng isda sa gilid ng ilog sa Barangay Palestina, bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa. Namataang lumulutang sa ilog ang katawan ni Nicanor Corporal, guwardiya sa pampublikong pamilihan sa bayan ng Pili. Huling namataang buhay ang biktima bandang alas-10 ng umaga na namimingwit ng isda gamit ang manipis na kawayan na kinabitan ng kawad ng kuryente mula sa linya ng poste ng Camarines Sur Electric Cooperative. Nabatid sa ilang kaibigan ng biktima na naisipan nitong mamingwit ng isda upang makatipid sa gastusin ng pamilya subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nabingwit si kamatayan.

 

KISAY SA KURYENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with