^

Army sergeant utas sa ambush

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napatay ang beteranong Army sergeant habang isa naman ang grabeng nasugatan makaraang tambangan ng grupong Lucky 9 ng teroristang Abu Sayyaf sa kahabaan ng highway sa Barangay Anoling, bayan ng Patikul, Sulu kamakalawa. Kinilala ang biktima sa apelyidong S/Sergeant Capistrano habang naisugod naman sa Trauma Hospital sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista ang sugatang si Corporal Quijano na mga miyembro ng 1st Scout Ranger Battalion. Sa ulat ni Major Felimon Tan, Army’s regional spokesman na isinumite sa Camp Aguinaldo, magkaangkas sa motorsiklo sina Capistrano at Quijano nang tambangan. Gayon pa man, nagawa pang makaganti ng putok ng dalawang sundalo pero napuruhan sa katawan si Capistrano. Napilitang magsitakas ng grupo ng Sayyaf matapos na matanawan ang paparating na reinforcement troops ng militar.

ABU SAYYAF BARANGAY ANOLING CAMP AGUINALDO CAPISTRANO CORPORAL QUIJANO GAYON KUTA HENERAL TEODULFO BAUTISTA MAJOR FELIMON TAN SCOUT RANGER BATTALION SERGEANT CAPISTRANO TRAUMA HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with