^

3 bata nilamon ng dagat

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlong magkakapatid ang iniulat na namatay makaraang tangayin ng malakas na alon habang nagswi-swimming sa karagatan ng Babatngon, Leyte, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang mga biktima na sina Ronalyn Aure, 10; Rayben Carl Aure, 9; at Divine Aure, 8. Magkakasunod na narekober ang mga bangkay  kamakalawa ng hapon at nitong Lunes ng umaga. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-3 ng hapon noong Sabado nang magkayayaang mag-swimming ang mga biktima sa karagatan ng Barangay Taguite. Nabigo naman ang tiyahin ng mga bata na si Nenita Buena na mailigtas ang mga pamangkin dahil sa sobrang lakas ng alon na tumangay sa mga ito. Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad kung saan noong Linggo ng hapon ay unang narekober ang bangkay ni Rayben habang sumunod naman ang bangkay nina Ronalyn at Divine Grace bandang alas-7:50 ng umaga at dakong alas-8 ng umaga, kahapon.

ANG BABATNGON BARANGAY TAGUITE CAMP CRAME DIVINE AURE DIVINE GRACE KINILALA MGA NENITA BUENA RAYBEN CARL AURE RONALYN AURE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with