SUV vs van: 3 dedo, 4 sugatan
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

CAVITE, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang 3-anyos na totoy ang namatay habang apat naman ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang SUV sa kasalubong na van sa kahabaan ng Daanghari Road sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Francisco Mabuhay Aninon Jr., driver ng van, ng Block 6 Lot 16 Phase 3 Mabuhay Homes Subd. sa Dasmariñas City, Cavite; Choe Mc Enzie Abcede, 3; at ang yaya nito na si Brenda Diolon, 22, kapwa pasahero ng Innova SUV.

Sugatan naman sina Nestor Partigosa, Elizabeth Ortigosa, mga sakay ng van; Mark Abcede , 35, dri­ver ng SUV; at si Rochelle Abcede, 33, pasahero naman ng SUV.

Sa policed report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, sumabog ang gulong sa kaliwang unahan ng Innova (AAY 6290) na minamaneho ni Mark kaya nawalan ito ng control sa manibela saka bumaliktad.

Gayon pa man sumalpok ang Innova SUV sa kasalubong na van (REX 929) na minamaneho ni Aninon Jr.

Sumaklolo naman ang ilang residente kung saan ilang oras din nailabas sa dalawang sasakyan ang mga biktima.

 

 

ANG ANINON JR. BACOOR CITY BARANGAY MOLINO BRENDA DIOLON CAMP PANTALEON GARCIA CAVITE CHOE MC ENZIE ABCEDE DAANGHARI ROAD ELIZABETH ORTIGOSA INNOVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with