6 utas sa car crash
Arnell Ozaeta, Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2016 - 9:00am

CAVITE, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng anim-katao makaraang sumalpok ang kanilang kot­se sa concrete barrier at punungkahoy saka sumabog sa bahagi ng Barangay San Jose, Tagaytay City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Ferdinand Quirante, hepe ng Tagaytay City PNP, naganap ang trahedya dakong alas-2:40 ng mada­ling-araw sa kahabaan ng Tagaytay-Calamba Road.

Nabatid na tatlong lalaki at tatlong babae ang lulan ng pulang Toyota Vios na may plakang AHA 587 nang biglang sumalpok sa concrete barrier na nasa gilid ng highway.

Nagtuluy-tuloy na su­malpok sa punungkahoy saka biglang nagliyab ang kotse kung saan na-trap ang anim-katao.

Tinangkang tulungan ng ilang opisyal ng barangay ang mga biktima pero biglang sumabog ang kotse kaya hindi na naisalba ang anim.

Isa sa anim na biktima na may identification card ang nakilalang si Ronalyn Bautista, 17, ng Imus City, Cavite.

Ilan sa mga nakasaksi sa trahedya ay nagsabing mas­yadong mabilis ang kotse na pinaniniwalaang nawalan ng control sa manibela ang driver pagsapit sa kurbadang kalsada habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Napag-alamang ga­ling sa Batangas ang mga biktima at patungo sana ng Sta. Rosa City, Laguna nang makasalubong si kamatayan. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat

ACIRC ANG BARANGAY SAN JOSE CAVITE FERDINAND QUIRANTE IMUS CITY RICKY TULIPAT RONALYN BAUTISTA ROSA CITY TAGAYTAY CITY TAGAYTAY-CALAMBA ROAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with