^

Probinsiya

Misis sinunog ng lover

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na misis matapos itong igapos ay sinunog pa ng kanyang lover sa loob ng kanilang bahay Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal akahapon ng madaling araw. Halos matusta ang biktimang si Elizabeth Jumaday ng East Villa Road, Sitio Parugan, Block 3 sa nasabing barangay habang arestado naman ang suspek na si Edgardo Torres, 45. Sa inisyal na ulat ni P03 Domer Digma, sumiklab ang pagtatalo ng magkalaguyo matapos akusahan ang biktima na may ibang karelasyong lalaki. Itinanggi naman ng biktima ang akusasyon ng suspek kaya iginapos siya at ikinulong sa kuwarto. Hindi pa nakuntento ang suspek ay sinunog pa ang biktima matapos pasingawin ang  tangke ng liquified petroleum gas (LPG). Narekober ang bangkay ng biktima matapos gumamit ng bolt cutter ang pulisya para mapasok ang bahay ng magkalaguyo.

ANG

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN JOSE

DOMER DIGMA

EAST VILLA ROAD

EDGARDO TORRES

ELIZABETH JUMADAY

ITINANGGI

KALUNUS

NAREKOBER

SITIO PARUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with