Barangay chairman, nilikida
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang beteranong barangay chairman matapos pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki habang ito ay pauwi kamakalawa ng hapon sa Barangay Dinapa, bayan ng Castilla, Sorsogon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Chairman Recto Enovejas ng Barangay Macalaya sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktima mula sa sabungan nang harangin at ratratin ng gunman bandang alas-3:45 ng hapon. Pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaslang dahil mahigpit na taga-suporta ng mga kandidato sa pagka-alkalde ang biktima.

ANG BARANGAY BARANGAY DINAPA BARANGAY MACALAYA CAMP SIMEON OLA CASTILLA CHAIRMAN RECTO ENOVEJAS NAPATAY NAPURUHAN PINANINIWALAANG SORSOGON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with