Driver pisak sa killer trak
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sa loob ng sasakyan nalagutan ng hininga ang drayber ng delivery truck matapos ang mahigit limang oras niyang pagkakaipit nang salpukin ito ng rumaragasang truck ng alak sa kahabaan ng highway sa Brgy. Ugad, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng Cabagan PNP ang namatay na si Rudy Mercado, 55, habang kritikal ang helper na si Ryan Baiting.?

Sa ulat ng pulisya, lumitaw na nakaparada sa gilid ng highway ang trak ni Mercado nang salpukin sa likuran ng trak ni John Michael Apostol matapos sumabog ang gulong ng sasakyan (RFN 273) at nawalan ng kontrol.?

Sa lakas ng pagkakasalpok ay umusad ang sasakyan ni Mercado sa punungkahoy kung saan siya naipit mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang matanggal siya na wala nang buhay dakong alas-9:30 ng umaga.?

Kahit malubha ay kinasuhan ng pulisya ang driver na si Apostol.

ANG APOSTOL BRGY CABAGAN CHIEF INSP ISABELA JOHN MICHAEL APOSTOL MERCADO NELSON VALLEJO RUDY MERCADO RYAN BAITING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with