^

Probinsiya

Lider ng drug syndicate, dinedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Bulagta ang lider ng drug syndicate sa San Pablo City, Laguna habang malubhang nasugatan ang kasamahan nitong babae makaraang pagbabarilin ng hinihinalang nakaonsehan nila sa iligal na operasyon sa Barangay Lalig, bayan ng Tiaong, Quezon, kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng maraming tama sa katawan ang biktimang si Melvin Uypico, 49, may-asawa at sinasabing lider ng Uypico Drug group na ang sentro ng operasyon ay sa San Pablo City at nangunguna sa talaan ng Oplan Lambat Sibat.  Naisugod naman ospital si Ronelyn Andao, 22, ng Parañaque City habang tugis ang isa pang suspek na nakilala sa alyas Buyoy. Nabatid na nag-uusap ang tatlo nang humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril si Buyoy at niratrat ang dalawa.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BARANGAY LALIG

BULAGTA

BUYOY

MELVIN UYPICO

NABATID

NAGTAMO

OPLAN LAMBAT SIBAT

RONELYN ANDAO

SAN PABLO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with