_ngayon
^

Probinsiya

Coed sugatan sa encounter

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang college student na babae ang nasugatan makaraang masabugan ng  ng M203 grenade launcher sa kasagsagan ng bakbakan ng tropa ng militar  at ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Matagangtang, Pla­cer, Masbate kamakalawa ng hapon.

Mabilis na isinugod ang biktima na si Jesel Estay Arreglado, 19,  sa Masbate Provincial Hospital sanhi ng tinamong tama ng shrapnel ng M203 grenade launcher sa kanyang likod.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V,  alas-8:45 ng gabi nang magkaroon ng bakbakan sa pagitan ng mga ilang units ng Army’s 9th Infantry Division (ID) at ng hindi pa madeterminang  bilang ng mga rebelde sa bisinidad ng Gulay Mayer National High School sa Brgy. Matagangtang, Placer.

Mahigit limang minuto ang bakbakan kung saan sa pagsabog ng M203 granade launcher ay tumama ito sa tahanan ng sibil­yang si Rebecca Catampongan na ikinasugat ng nasabing estudyante.

Unang isinugod sa Cataingan District Hospital ang biktima pero agad ding inilipat sa Masbate Provincial Hospital.

ACIRC BRGY CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL GULAY MAYER NATIONAL HIGH SCHOOL INFANTRY DIVISION JESEL ESTAY ARREGLADO MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL MATAGANGTANG NEW PEOPLE POLICE REGIONAL OFFICE REBECCA CATAMPONGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with