Misis utas sa tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang misis habang malubha namang nasugatan ang mister nito makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa naganap na pananambang sa Zone 7, bayan ng Bangued, Abra kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa leeg si Mary-Ann Artienda Tacis kung saan idineklarang patay sa Abra Provincial Hospital. Isinasalba naman ang buhay ni Rolando Tacis, 42, trike driver at mga nakatira sa nasabing lugar. Sa ulat ng Cordillera Police naitala ang krimen sa kahabaan ng Zone 7, Bangued dakong alas-7:10 ng gabi.  Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, minamaneho ni Rolando ang traysikel sakay ang kaniyang mag-ina nang ratratin ng tandem. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang mag-asawa pero nabigong maisalba ang buhay ni Mary-Ann.

ABRA ABRA PROVINCIAL HOSPITAL ANG BANGUED CAMP CRAME CORDILLERA POLICE ISINASALBA MARY-ANN MARY-ANN ARTIENDA TACIS NAGAWA ROLANDO TACIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with