Brodkaster tiklo sa extortion
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2015 - 10:00am

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang nagpakilalang 28-anyos na block timer na broadcaster matapos itong arestuhin ng pulisya kaugnay sa reklamong extortion laban sa isang trader sa Barangay San Pedro, bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon ng umaga.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Marcel Bayan ng Brgy. San Marcos sa bayan ng Calumpit, Bulacan at brodkaster sa programang Action Line ng radio station.

Sa police report na nakara­ting kay P/Supt. Angel Bondoc, tinakot ng suspek ang biktimang may negosyong piggery na si Rolando Felipe ng Brgy. San Pascual dahil sa reklamo ng mga residente sa  masangsang na amoy ng mga baboy.

Ayon pa sa ulat, tinakot ng suspek ang biktima na isisiwalat ang mga reklamo kapag hindi nakapagbigay ng malaking halaga.

Pumayag naman ang biktima subalit lingid sa kaalam ng suspek ay humingi na ng tulong sa pulisya kung saan inilatag ang entrapment operation.

Nasakote naman ang suspek matapos ang entrapment operation ng pulisya sa pa­ngunguna ni P/Insp. Jun Alejandrino kung saan narekober ang marked money na ginamit sa operasyon at dalawang identification cards ng suspek.

ACIRC ACTION LINE ANG ANGEL BONDOC BARANGAY SAN PEDRO BRGY BULACAN JUN ALEJANDRINO MARCEL BAYAN ROLANDO FELIPE SAN MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with