_ngayon
^

Probinsiya

Sinibak na parak, live-in huli sa droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang dating miyembro ng Philippine National Police at kanyang live-in partner makaraang makunan ng shabu sa isinagawang pagsalakay sa kanilang tahanan sa Purok Masagana, Brgy. Gulang-gulang kamakalawa ng umaga.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Joseph Jamilano, 52, alyas Intin, dating miyembro ng Lucena Police na natanggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa droga at Lourdes Labao, 42.

Ayon kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng pulisya,  bandang alas-8:30 ng umaga nang isagawa ng tropa ni Chief Insp. William Angway ang pagsalakay sa bahay ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng RTC branch 29-32 sa San Pablo City.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng mga suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5, 900.

AYON BRGY CHIEF INSP JOSEPH JAMILANO JUDGE AGRIPINO MORGA LOURDES LABAO LUCENA POLICE PHILIPPINE NATIONAL POLICE SAN PABLO CITY WILLIAM ANGWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with