^

Probinsiya

Forest fire sa Benguet, naapula na

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Naapula na ang fo­rest fire na pinangangambahang umabot sa kabahayan sa Mt. Sto. Tomas sa bayan ng Tuba, Benguet na nagsimula sa mga naglalarong bata sa nasabing lugar, ayon sa Office of the Civil Defense ng Cordillera region.?

Ito ang pahayag ni OCD Cordillera Alex Uy sa kanyang assessment report taliwas sa mga haka-hakang kagagawan ito ng mga kaingero.

Sinabi naman ni Civil Defense Officer II Hector Villa­nueva na matarik at mabato ang kabundukan ng Sto. Tomas at hindi magandang lugar upang lagyan ng anumang pang agrikulturang pananim.?

Dahil dito ay nilalayon ni Benguet PNP Director P/Senior Supt. Rodolfo Azurin Jr. na makipagpulong sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang makapagbuo ng mitigating measures sa kakaharaping forest fire sa darating na panahon.?

Aabot sa 2,000 ektaryang lupain  kabilang na ang mga patubig na pinagkukunan ng inumin ng mga residente ang naapektuhan ng forest fire sa forest reserve sa nasabing lugar.

 

BENGUET

CIVIL DEFENSE OFFICER

CORDILLERA ALEX UY

DIRECTOR P

HECTOR VILLA

MT. STO

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

RODOLFO AZURIN JR.

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with