^

Probinsiya

Pawnshop hinoldap: Sekyu utas

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaslang ang isang security guard na tinangkang manlaban matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na nangholdap sa binabanta­yang pawnshop sa Barangay Calvario, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng tanghali. Naisugod sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Rodney Inggano, nakatalaga sa E & C Jewerly Shop sa Contreras Street sa nasabing barangay.

Base sa ulat ni PO2 Christoper Baltazar, nag-break time ang mga kawani ng nasabing pawnshop nang kumatok ang dalawang di-kilalang lalaki na nakasuot ng uniporme ng pulis na sinasabing nagpanggap na bibili ng mga alahas kaya pinagbuksan naman ng biktima.

Kaagad na nagsunuran ang tatlong iba pang kasab­wat ng dalawang naka-uniporme ng pulis habang ang tatlo naman ay nagsilbing lookout sa labas ng pawnshop.

Hindi na nakapalag ang biktima subalit inakala ng mga holdaper na manlalaban ito kaya pinutukan ng isa sa apat kung saan pinagbabasag ang mga salamin sa naka-display na mga alahas.

Tinangay din ang dalawang armas ng mga sekyu, mga personal na ari-arian ng mga kawani saka tulu­yang tumakas lulan ng apat na motorsiklo patungo sa direksyon ng Valenzuela City.

vuukle comment

BARANGAY CALVARIO

BULACAN

C JEWERLY SHOP

CHRISTOPER BALTAZAR

CONTRERAS STREET

MEYCAUAYAN CITY

RODNEY INGGANO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with