^

3 tumba sa shootout

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2014 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang isang wanted ang napatay makaraang manlaban sa arresting team na nagsilbi ng warrant of arrest kahapon ng umaga sa naganap na shootout sa Purok Mabuhay, Barangay Ambalgan, bayan ng Sto. Niño, South Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Omar Ambalgan, wanted na kriminal; Rhea Homarito, ka-live-in ni Omar; at si Noli Rosi ng Purok Mabuhay sa nasabing barangay.

Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Jose Arnaldo Briones Jr., South Cotabato PNP director, isisilbi sana ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban kay Omar na may kasong frustra­ted murder nang salubungin sila ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa pinagkukutaan ng wanted.

Gayon pa man, gumanti ng mga putok ang mga awtoridad kung saan tinamaan ang tatlo. Naisugod naman sa pagamutan ang tatlo subalit ideneklarang patay  

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang granada, homemade cal. 357 pistol, mga bala, slug at motorsiklo na walang plate number.

 

BARANGAY AMBALGAN JOSE ARNALDO BRIONES JR. NOLI ROSI OMAR OMAR AMBALGAN PUROK MABUHAY RHEA HOMARITO SENIOR SUPT SOUTH COTABATO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with