Bus binomba: 4 sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Apat-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang bomba na itinanim sa pampasaherong bus sa Brgy. Dologon, bayan ng Maramag, Bukidnon kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Paquito Jivares, 61; Ilyn Quadero, 21; Diolola Fostanes,36; at si Daniel Sincero, 45. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, sumambulat ang bomba sa loob ng RTMI Bus (KVS 164) na mula sa Tacurong City patungong Cagayan de Oro City. Napinsala ang mga bintana sa hulihang bahagi ng bus bunga ng pagsabog. Samantala, bago ang pagsabog ay ilang lalaki ang pasahero na pinaniniwalaang nagtanim ng bomba ang nagmamadaling bumaba sa nasabing bus.

 

APAT BRGY BUKIDNON CAMP CRAME DANIEL SINCERO DIOLOLA FOSTANES ILYN QUADERO ORO CITY PAQUITO JIVARES TACURONG CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with