^

Probinsiya

10 BIFF, 2 sundalo patay sa bakbakan

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  – Aabot sa sampung miyembro ng  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at dalawang sundalo ang napatay habang anim naman ang sugatan matapos sumiklab ang panibagong sagupaan ng magkalabang grupo sa liblib na bahagi ng Sitio Makabinban, Barangay Palongoguen, bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Rei­nante delos Santos, hepe ng Midsayap PNP, hinarass at pinaputukan ng BIFF rebs ang detachment ng Army at Cafgu kaya mabilis na rumesponde ang mga sundalo ng 40th Infantry Batta­lion ng Phil. Army, Regional Public Safety Company ng PNP-12, at mga tauhan ng Midsayap PNP.

Gayon pa man, may ilang metro pa lamang sa nasabing detachment ang puwersa ng 40th Infantry Battalion ng Phil. Army at pulisya ay agad itong napasabak sa matinding sagupaan na tumagal ng 12-oras na putukan.

Umatras ang mga kalaban nang bombahin ng militar ang posisyon ng BIFF habang papatakas.

Samantala, dalawang MNLF Integrees ng Phil. Army ang napatay at isa ang nasugatan na pawang sundalo ng 40th Infantry Battalion na tinamaan shrapnel ng rocket propelled grenade habang limang BIFF ang bumulagta kung saan pina­niniwalaang marami ang nasugatan sa panig ng rebelde matapos tamaan ng mortar fires ng mga sundalo.

Nagsilikas naman ang mga residente sa nasa­bing barangay sa takot na maipit sa bakbakan habang nagpapatuloy ang clea­ring operation ng militar at pulisya laban sa BIFF rebs.

 

vuukle comment

AABOT

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY PALONGOGUEN

INFANTRY BATTA

INFANTRY BATTALION

MIDSAYAP

NORTH COTABATO

REGIONAL PUBLIC SAFETY COMPANY

SITIO MAKABINBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with