^

Probinsiya

Broadcaster uli tinambangan, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang radio broadcaster ang nasawi habang isa pa ang na­sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng pana­nambang na kinasangkutan ng riding-in-tandem na mga armadong salarin sa Tagum City, Davao del Norte at Iloilo City, kamaka­lawa ng gabi at nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Jed Clamor, Spokesman ng Southern Mindanao Police, dakong alas-8:55 ng umaga nitong Miyerkules nang tambangan ang biktimang si Rogelio “Tata” Butalid, 44, commentator sa programa nitong  “Ang Kamatuoran” o ang Katotohanan sa Ta­galog sa Radyo Natin sa Tagum City.

Ayon kay Clamor bigla na lamang sumulpot sa panulukan ng Sobrecarey St. at Roxas Street sa Brgy. South, Tagum City ang  tandem na suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril  ang biktima gamit ang cal. .45, na namatay noon din sa lugar.

Napag-alaman na kata­tapos lamang ng programa ng biktima na isa ring halal na barangay kagawad.

Sa kasalukuyan, dalawang anggulo ang sini­silip ng mga awtoridad sa pamamaslang kay Butalid, una ay may kinalaman sa trabaho nito bilang komentarista sa radyo at pa­ngalawa ay pulitika.

Sa tala, si Butalid ang ika-22 mediamen na napaslang sa ilalim ng admi­nistrasyon­ ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Samantala, sa isa pang insidente, sugatan naman ang radio reporter na si Jonavin Villalba, 43, re­porter ng Dyok Aksyon Radyo sa Iloilo matapos itong pagbabarilin din ng riding-in-tandem sa harapan ng kanyang tahanan sa Brgy. Cuartero, Jaro District, Iloilo­ City, dakong alas-11 ng gabi kama­kalawa.

Ayon kay Sr. Supt. Ruperto Floro, Director ng Iloilo City Police, ang biktima ay idineklarang nasa maayos na kondisyon sa Iloilo Mission Hospital sa tinamong mga tama ng bala sa kanang paa.

Nabatid na ang mga suspek na pawang naka-helmet ay magkaangkas sa kulay itim na motorsiklo nang paputukan ang biktima gamit ang cal. 9mm pistol.  Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril sa biktima.

ANG KAMATUORAN

AYON

BRGY

BUTALID

CHIEF INSPECTOR JED CLAMOR

DYOK AKSYON RADYO

ILOILO

SHY

TAGUM CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with