_ngayon
^

Explosion: 2 patay, 2 sugatan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang malakas na pagsabog ng granada na inihagis sa isang kubo sa Brgy. Pajo, Balud, Masbate kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Jelly Sese at Lolito Tabique; pawang nasa hustong gulang at mga taga Samar na  bakasyunista sa lugar.Ang mga ito ay halos nadurog ang mga katawan na kap­wa dead-on-the-spot sa insidente.

Patuloy namang isinasalba sa Masbate Doctors Hospital ang dalawa pang biktima na sina Rechil Sese at isang tinukoy lamang sa pangalang Delia; pawang nagtamo ng malubhang su­gat sa katawan.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Renato Battaler, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 5, naitala ang pagsa­bog sa isang kubo malapit sa tahanan ni Brgy. Chairwoman Lina Recto sa Brgy. Pajo, Balud ng lalawigang ito bandang alas-5 ng hapon.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang namamahinga sa kubo ang mga biktima ng biglang hagisan ito ng granada ng hindi pa nakilalang mga salarin. Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pagpapasabog at kung sino ang nasa likod ng krimen.

BALUD BRGY CHAIRWOMAN LINA RECTO JELLY SESE LOLITO TABIQUE MASBATE DOCTORS HOSPITAL PAJO POLICE REGIONAL OFFICE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with