^

Probinsiya

Pastor, misis, 2 anak minasaker

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binistay ng bala hanggang sa mapatay ang 44-anyos na pastor, misis nito at dalawang anak ng mga di-kilalang kalalakihan sa naganap na masaker sa Barangay Sampao sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat noong Miyerkules ng gabi.

Kabilang sa mga na­patay ay sina Rey Debarbo, pastor sa Fundamental Baptist Church; Renaly Debarbo, 39; at mga anak na sina Catherine Faith, 14; at Karen Debarbo, 8.

Ang mga biktima ay tinadtad ng tama ng bala ng M16 rifles at cal. 45 pistol  partikular na sa bahagi ng kanilang ulo.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-9:10 ng gabi sa bisinidad ng  Leonora Homes habang pauwi na ang mga biktima sa Barangay Kalawag II mula sa dinaluhang birthday party.

Nabatid na ang mga biktima ay magkakaangkas sa motorsiklo na minamaneho ng pastor nang harangin at ratratin.

Nakaligtas naman ang 16-anyos na anak na babae ng pastor dahil naiwan ito sa kanilang bahay habang patuloy ang imbestigasyon.

 

BARANGAY KALAWAG

BARANGAY SAMPAO

CAMP CRAME

CATHERINE FAITH

FUNDAMENTAL BAPTIST CHURCH

KAREN DEBARBO

LEONORA HOMES

RENALY DEBARBO

REY DEBARBO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with