_ngayon
^

Karnaper todas sa pulis

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2012 - 12:00am

CAVITE , Philippines – Napaslang ang itinuturing na notoryus na karnaper matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Alapan 1-C, Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw. Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng  karnaper na tinatayang nasa edad na 25 hanggang 35. Ayon sa pulisya, bago maganap ang shootout ay kinarnap ng dalawang di-kilalang lalaki ang motorsiklo ni Jeffrey Capana sa bahagi ng Barangay Buhay na Tubig. Nakahingi naman ng saklolo si Capana sa pulisya kaya inilatag ang follow-up operation kung saan namataan naman ang dalawang suspek sa kahabaan ng Bucandala-Alapan Road. Dito na sumiklab ang putukan hanggang sa mapatay ang isa sa dalawang karnaper. Narekober ang cal. 38 revolver, dalawang basyo ng cal. 38 at ang motorsiklo ni Capana.

 

AYON BARANGAY ALAPAN BARANGAY BUHAY BUCANDALA-ALAPAN ROAD CAPANA CAVITE DITO HANGGANG IMUS CITY JEFFREY CAPANA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with