^

Police Metro

NPA kinondena ang pag-atake sa AFP response team ng ‘Urduja’ victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang ginawang pag-atake ng mga New People’s Army terrorist sa mga sundalo na tumutulong sa pagbibigay ng relief sa mga biktima ng bagyong Urduja.

Nabatid na dalawang sundalo ang nasugatan nang paputukan ng nasa 50 miyembrong NPA ang mga sundalo sa Catubig, Northern Samar noong Linggo Sunday.

“Nakakalungkot na mayroon tayong mga kababa­yan na naisip pang tambangan ang mga kasundaluhan natin na naroon naman para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo,” Romina Marasigan, spokesperson ng NDRRMC.

“Sabi nila ipinaglalaban nila ang welfare ng ating mga kababayan. Kung talaga ipinaglalaban ninyo ang welfare at kalagayan ng ating mamamayang Pilipino, tigilan niyo na po ang pananambang sa ating mga sundalong Pilipino rin at tumutulong sa kapwa natin Pilipino,” dagdag nito.

Sinabi rin ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinatunayan lamang ng teroristang NPA ang kanilang pagiging traydor matapos tambangan ang mga sundalong maghahatid ng humanitarian mission sa mga biktima ng bagyong Urduja sa Northern Samar.

“Hindi lang nakakalungkot kundi nakakagalit,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang ginawang pananambang ng NPA sa mga sundalo sa Catubig, Northern Samar.

Malinaw, anya na paglabag ito sa International Humanitarian Law gayung nasa aktong gumagawa ng humanitarian mission ang mga militar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with