^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (145)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“’Yan ang dahilan kaya ka gustong burahin ni Mr. C, ­Marianne. Marami kang alam sa negosyong droga niya. Kaya hindi tumitigil ang mga tauhan niya para ka patayin,’’ sabi ni Luke.

“Bakit ngayon mo lang ito sinabi, Marianne?’’ tanong ni Drew.

“Hindi ko na nabigyan ng importansiya ang tungkol sa drug business niya kasi ang pambababoy na ginagawa niya sa akin ang iniisip ko. Mas doon ako nakapokus. Hindi ko alam na mas malaki ang isyu sa droga dahil maraming napiperwisyong kabataan.’’

“Maari mo bang ikuwento kung paano at saan mo nari­nig ang tungkol sa drugs, ­Marianne?’’

“Tanghali noon at mayroon akong sasabihin kay Mr. C ukol sa utang ng aking lolo at lola, kaya hinanap ko siya. Maraming kuwarto sa bahay ni Mr. C. Isang kuwarto ang binuksan ko at nagbakasakaling naroon si Mr. C. Naroon nga siya pero may mga kausap na Chinese din. Dinig na dinig ko ang usapan nila na tungkol sa shabu laboratory at kung saan dinadala ang mga nalutong shabu.

“May isang malaking bahay sa tapat mismo ng police headquarters na nagsisilbi nilang shabu laboratory…’’ tumigil si Marianne dahil may sinabi si Drew.

“Sa tapat ng police station nagtayo ng shabu lab?’’

“Oo.’’

“Posible ba ‘yun, Luke?’’

“Oo. Sino nga ba ang maghihinala na may shabu lab sa tapat ng police station. Mauutak ang mga drug traffickers.’’

Nagpatuloy si ­Marianne sa pagkukuwento.

“Narinig ko na ang mga nalutong shabu ay dinadala naman sa bodega nila na nakatayo malapit sa simbahan. Malinaw na malinaw ang pag-uusap nila kaya nakatatak sa isip ko.

Nang marinig ko iyon ay dahan-dahan ko nang sinara ang pinto pero nakita ako ni Mr. C at tinawag ako.’’

“Anong ginawa mo?’’ tanong ni Luke.

“Lumapit ako.’’

“Tapos anong nangyari?’’ (Itutuloy)

vuukle comment

EBA

PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with