^

True Confessions

Monay (191)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA halip na sabihin kay Monay ang huling habilin ni Cath, nagyaya na si Joem.

“Dun tayo sa paborito naming restaurant ni Cath. Nagugutom na ako, Monay. At baka ikaw rin. Masarap ang pagkain dun.’’

“Sabihin mo na sa akin ang huling habilin ni Cath, Joem. Masyado akong na­sa­sabik.’’

“Dun na lang sa restaurant ko sasabihin.’’

‘‘Okey. Let’s go.’’

Nagpaalam na sila kay Cath.

“Babay Pandekoko, I love you,’’ sabi ni Monay.

“Pinaligaya mo ako. Bago ako umalis, pa-US, babalik uli ako rito.’’

 

KAUNTI pa lamang ang mga tao sa seafood restaurant na paboritong ka­inan nina Joem at Cath. Pinili nila ang table na malapit sa bintana at tanaw ang asul at kalmadong dagat ng Manila Bay.

“Dito kami unang nag-date ni Cath, Monay. Nag­yaya siyang kumain. Gabi na noon. Sabi niya pumili raw ako ng restawran na ma­sarap ang pagkain. Dito ko siya dinala.’’

“Kaya pala kabisadung-kabisado mo ito.’’

‘‘Hindi ko malilimutan ang lugar na ito, Monay. Napaka-memorable.’’

Lumapit ang isang waiter. Umorder si Joem. Isang bilao ng iba’t ibang seafoods.

‘‘Masarap ba talaga ang pagkain dito, Joem?’’

“Oo. Magkakamay tayo.’’

“Ay type kong magkamay, Joem.’’

‘‘Si Cath nasanay magkamay mula nang kumain kami rito. Natuto siya sa akin. Masarap daw palang magkamay’’

“Ako talagang nagka­kamay na noon pa.’’

“Hindi na kita tuturuan, ha-ha-ha!’’

Maya-maya, dinileber na ang bilao ng iba’t ibang seafoods. Pulang-pula ang alimasag na malalaki ang sipit, May hipon, tahong, talaba at inihaw na bangus at tilapya. May kanin sa palayok. Iba’t iba ang saw­sawan – may maanghang, manamis-namis at maasim.

“Ang dami Joem. Mauubos ba natin, ‘yan?’’

“Oo. Hanggang gabi naman tayo rito, ha-ha-ha!’’

Nagsimula silang kumain.

Ipinagbasag ni Joem si Monay ng sipit ng alimango. Tulad ng ginagawa niya kapag kumakain sila ni Cath noon.

“Etong laman ng sipit ang masarap isawsaw, Monay. Subukan mo.’’

“Ang sweet mo, Joem. Baka lagi kitang yayain dito.’’

Ngumiti lang si Joem.

‘‘Sabihin mo na sa akin kung ano ang huling habilin ni Monay.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with