^

True Confessions

Monay (185)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi mo pa rin nalilimutan ang pagluluto ng fishball, Joem. Sanay ma sanay ka. Pati ang sauce, expert ka!’’ sabi ni Monay habang pinanood si Joem na nagluluto sa kawali ng fishball.

“Sabi ko nga sa’yo, hindi ko malilimutan ang trabahong na­ging daan para ako makatapos ng high school at kolehiyo. Napakalaki ng utang ko sa pagtitinda ng fishball.’’

“Kaya nga hanga ako sa’yo, Joem.’’

“Malaki rin ang utang ko sa’yo Monay. Kung hindi sa panghihikayat mo sa akin nung nasa high school tayo baka hindi ako nakatapos. Baka habambuhay akong nagtitinda ng fishball.’’

“Pero siyempre ikaw ang talagang nagsikap para ka umangat. Ang sa akin kaya kita hinikayat ay dahil kawawa ka naman kung hindi ka makakatapos ng high school. Ulila ka na nga e wala pang matatapos sa pag-aaral.’’

“Malaki ang papel mo kaya ako nasa magandang kalagayan nga­yon, Monay.’’

‘‘Salamat.’’

‘‘Siyanga pala, natatandaan mo ang sinabi ko noong malapit na tayong mag-graduate sa high school na ibabalik ko ang mga naitulong mo sa akin?’’

‘‘May sinabi ka bang ganun?’’

“Oo. Malapit na tayong mag-graduation nun.’’

“Hindi ko matan­daan, Joem. Ah, siguro kaya hindi ko matandaan ay dahil pinagaga­litan ako ni Mama ng mga panahong ‘yun. Inakala ni Mama nun na kaya kita binibigyan ng monay ay dahil magsiyota tayo.’’

“Pero tutuparin ko ang aking sinabi na ibabalik ko sa’yo ang mga naitulong mo sa akin.’’

“Sa ibang nanga­ngailangan mo na lang ibigay, Joem. Dun sa mga batang mahihirap pero matalino at may pa­ngarap. Natupad mo na ang pangako sa akin e nakatulong ka pa sa mga bata.’’

“Sige Monay. Ga­nun ang gagawin ko.’’

Maya-maya, luto na ang fishball. Inihain ni Joem.

“Eto na ang pabo­rito mong fishball, Monay.’’

“Wow! Sa amoy pa lang ang sarap na.’’

“Maangot?’’

Nagtawa si Monay sabay kuha ng bamboo stick at tumusok ng fishball. Nang ma­katusok ng tatlong fishball, sinawsaw sa spicy suka at saka inilubog sa manamis-namis na sauce. Isi­nubo.

“Ang sarap Joem! Malinamnam!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with