^

True Confessions

Monay (157)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kaya pala hindi na nakita ni Joem si Monay makaraan ang kanilang graduation ay dahil hindi na ito pinayagang makalabas ng bahay. Naghinala ang mama ni Monay na mayroon silang relasyon dahil nga sa pagbibigay nito ng monay sa kanya araw-araw. Ang buong akala ay magsiyota sila ni Monay at para hindi na magkita sa school, pinagbawalan nang lumabas.

Naawa si Joem kay Monay. Dahil sa kanya kaya naparusahan si Monay. Dahil sa pagmamagandang loob nito sa kanya, ang kalayaan ang nasakripisyo.

Hanggang hindi na nga niya nakita si Monay mula noon. Kahuli-hulihan niyang makita ay noong graduation na hindi na nga siya pinansin dahil mayroon palang mabigat na pinagdaraanan. Sobrang natakot pala sa mama niya.

Ipinagpatuloy ni Joem ang pagbabasa sa sulat ni Cath.

“Ikinuwento sa akin ni Monay na pagkatapos niya ng kolehiyo sa Pilipinas ay napetisyon na sila ng kanyang kapatid sa US. Buong pamilya nila ang nadala sa US. Ibinenta raw lahat ng kanilang ari-arian kasama ang bakery. Sabi sa akin ni Monay kung siya lang ang masusunod, ayaw niya sa US. Mas gusto raw niya rito. Pero wala siyang magawa dahil tiyak na magagalit ang kanyang mama kung hindi siya sasama sa US. Noon pa raw ay pangarap na ng kanyang mama na manirahan sa US.

“Pagdating sa US, naka­pagtrabaho raw siya sa ba­hay-ampunan. Hindi na niya binanggit kung ano ang trabaho roon. Inamin ni Monay na hindi niya gusto ang trabaho roon at gusto pa rin talaga niya sa Pinas. Pero wala siyang magawa. Mas nakakapangyari ang kan­yang mama. Batas ang ba­wat sabihin ng kanyang mama. Maski raw ang mga kapatid niya ay walang ma­gawa kapag ang kanilang mama na ang nagsalita.

“Hanggang sa lumipas pa ang ilang taon, namatay ang kanyang mama. Atake sa puso. Makalipas ang isang buwan ang kanyang papa naman ang namatay.

“Nasabi sa akin ni Monay na nakalaya siya mula nang mamatay ang kanyang mama. Wala nang manghihimasok sa kanya. Wala nang mangingialam. Binalak daw niyang umuwi sa Pilipinas para rito na mamuhay. Isa pa, meron daw siyang “babalikan”, pero pinigilan siya ng dalawang kapatid. Huwag na raw silang maghiwa-hiwalay pa sa US.” (Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with