^

True Confessions

Monay (122)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ayyyy! Joem saan mo ako dadalhin? Bakit mo ako binuhat? Joe­emmm!’’ sigaw ni Mam Cath pero hindi naman galit bagkus ay may lam­bing pa ang boses.

Pero tuluy-tuloy lang si Joem at hindi pinansin ang asawa. Mula sa beranda, ipinasok na niya si Cath sa kuwarto at mara­hang ibinaba sa family size na kama.

Pagkatapos maibaba, bumalik siya sa mga beranda at sinara ang salaming pinto. Tumahimik. Na­­wala ang ingay ng alon sa dalampasigan. Nawala rin ang ingay ng mga balinsasayaw na lumilipad sa kalawakan ng Paraiso Beach. Pati ang mga huni ng bato-bato sa paligid ng beach ay nawala. Tanging ang mahinang tunog ng aircon ang maririnig sa ka­nilang silid.

Lumapit si Joem kay Mam Cath na nakalatag ang katawan sa kama. Pi­nag­masdan ni Joem ang asawa. Manipis ang suot nito kaya aninag ang hubog ng magandang katawan. Kaakit-akit. Napakasuwerte talaga niya. Kung puwede lang isi­­gaw sa buong mundo na napakasuwerte niya sa lahat ng lalaki ay ginawa na niya.

“Bakit tinitingnan mo ako ng ganyan, Joem?’’

“Napakasuwerte ko kasi Cath.’’

“Bakit mo nasabi?’’

“Bukod sa napakaganda mo na ay super bait mo pa. Wala na akong mahihiling pa.’’

“Ilang beses mo nang sinabi sa akin ‘yan. Noong una tayong magpunta rito, sinabi mo na ‘yan.’’

“Paulit-ulit ko itong sasa­bihin, Cath. Hindi ako magsa­sawa.’’

Maya-maya, sumampa sa kama si Joem at tinabihan ang asawa. Niyakap.

“Hindi ko rin pagsasa­waang sabihin na mahal na mahal kita.’’

“Ako rin Joem, mahal na mahal kita.’’

Hinalikan ni Joem ang leeg ni Cath. Napahagikgik si Cath.

“Bakit Cath?’’

“May kiliti ako diyan.’’

“A talaga?’’

“Huwag Joemmm!’’

“Gusto ko nang magka-baby.’’

“Joemmmm!’’

At lalo pa niyang inulaol ng halik ang mabangong leeg ni Cath.

‘‘Joemm! Joemmm!’’

Pero bingi na si Joem at lalo pang sinibasib ang asawa.

Hanggang sa tumigil si Cath at ang tanging narinig ay ang kanilang paghinga.

(Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with