^

True Confessions

Monay (113)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Tumanda ako na hindi ka nagka-siyota, Joem. Siguro dahil sa pihikan ako at dahil na rin siguro sa pagiging abala sa trabaho,’’ sabi ni Mam Cath habang naglalakad sila sa buhanginan. Lumulubog ang mga paa nila sa buha-ngin. Nakahawak pa rin siya sa braso ni Joem.

‘‘Hindi ka pa naman matanda ah.’’

“Mahigit fifty na ako ‘no!’’

“Sa edad lang ‘yun pero sa mukha mo at sa ganda ng iyong ugali, nasa 30-anyos ka pa lang.’’

Hinigpitan ni Mam ang pagkakahawak sa braso ni Joem.

‘‘’Yan ang gusto ko sa’yo Joem, lagi mo akong binobola.’’

“Hindi kita binobola. Ba-tambata ka sa tingin ko.’’

“Sige na nga, bata na ako.’’

Nagpatuloy sila sa pag­lalakad. Napansin nila na masakit na sa balat ang sikat ng araw. Ang ibang tao sa beach ay nakasilong na sa kani-kanilang higanteng payong.

“Dun tayo sa lilim ng puno, Cath. Baka mangitim ka. Mabilis makaitim ang sikat ng araw sa tabing dagat.’’

“Halika. Gusto ko na ring umupo.’’

Tinungo nila ang punong talisay na nakayungyong ang mga sanga na may malalapad na dahon.

Magkatabi silang naupo sa buhanginan.

Tumingin si Mam Cath kay Joem. Tapos ay ngumiti.

‘‘Bakit Cath?’’

“Hindi ka nahihiya na    ang kasama mong babae    ay mas matanda sa’yo?’’

“Hindi. At saka hindi ka naman matanda.’’

‘‘’Yung totoo, Joem. Ser­yoso ako.’’

“Hindi nga. Bakit ako mahihiya?’’

“Ang laki ng gap ng age natin, halos 25 years. ‘Di ba 26 ka lang o 27?’’

“Twenty seven.’’

“Parang tita mo na ako.’’

“Bakit parang ang laki ng problema mo tungkol diyan sa age gap na ‘yan?’’

Hindi sumagot si Mam Cath. Nakatingin lang ito sa asul na dagat. Nag-iisip.

“Bakit Cath?’’

Umiling si Mam Cath.

Kinuha ni Joem ang kanang palad ni Mam Cath at pinisil.

“Sagutin mo ako, Cath.’’

Hindi sumagot si Mam Cath. Nakatingin pa rin sa dagat.

Dinala ni Joem ang pa-lad ni Mam Cath sa kanyang bibig at hinalikan. (Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with