^

PSN Showbiz

Anak ni April Boy, laglag sa biopic ng ama

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anak ni April Boy, laglag sa biopic ng ama
April Boy

May tatlong personalidad na raw ang pinagpipiliang gaganap na April Boy Regino.

Hindi lang sinabi sa amin ng taga-Waterplus Productions ni Marynette Gamboa kung sino sila.

Kasama kaya roon si Joaquin Domagoso?

In fairness kay Joaquin, talagang naghintay siya sa audition at pinag-aralan ang linyang iaarte. Pero hindi nga lang niya masunod ang pagkanta ni April Boy Regino.

Narinig din naming kino-consider ang anak ni April Boy na si JC Regino.

Siya sana ang gusto ni Madilyn (asawa ni April Boy) na gumanap. Pero sabi nga ng nasa production, lalo na ang direktor na si Efren Reyes na mas kamukha nito si Madilyn, kahit kuhang-kuha nito ang style nang pagkanta ng namayapang ama.

Sinabi rin ‘yan ni JC Regino sa nakaraang launch ng bagong single niyang Wala Na. Pero gusto pa rin sana niyang maging bahagi sa biopic ng kanyang ama.

Pinakiusapan ng producer si Madilyn na subukang ipa-audition si JC Regino, pero tumanggi ito. Hindi raw niya ipapa-audition ang anak sa role ng kanyang ama.

Naintindihan naman nila ang sentimiyento ni Madilyn. Cooperative naman daw ang misis ng nasirang singer sa film project nila, dahil ipinangako raw ni Marynette Gamboa kay April Boy nung nabubuhay pa ito na isasapelikula nila ang buhay nito.

Sa pelikulang iyun ay malaki pala ang partisipasyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte kay April Boy Regino.

Kaya tinatanong na namin sila kung sino  ang gaganap na Pres. Duterte sa film project na ito.

Abunda, pinaghandaan si Lolit

Sobrang tuwa ni Nay Lolit Solis sa 77th birthday na inihanda ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.

Ito na raw ang pinakamasaya at touching na birthday celebration niya dahil gusto raw niya ang lahat ng dumalo.

Parang iisang pamilya lang daw ang nakasa­lamuha niya sa papiging sa kanya na ginanap sa Oriental Seafood Restaurant sa Quezon City nung nakaraang Linggo.

Sayang nga at hindi kinaya ni Sen.  Bong na du­malo dahil kailangan talagang naka-elevate lagi ang paa nitong inoperahan. Pero, nagpadala siya ng mensahe para sa kanyang Nanay-nanayan.

Sabi ni Nay Lolit, gusto raw talaga niya ang mga taong dumalo dahil close na sa isa’t-isa, at kahit magkabiruan at mag-okra­yan, okay lang daw walang may masasaktan at magmamalisya.

Gusto nga sana niyang dumalo ang da­ting anak-anakan niyang si Gabby Concepcion, kaya pinaimbitahan niya sa akin. Pero nasa Isabela raw ang aktor, kaya hindi ito pumuwede.

Hindi naiwasang maungkat ang kuwentong scam, lalo na sa interview ni Kuya Boy Abunda kay Nay Lolit.

Tanging si Nanette Medved na dating nasangkot sa MFF scam ang nandun, pero nakangiti lang ito nang napag-usapan ito.

Kaya mabuti na ring hindi pumuwede si Gabby.

Pero ang dinig namin, balak daw niyang dalawin ang dating manager sa regular dialysis nito.

Sa totoo lang, talagang kinarir ni Kuya Boy itong Fast Talk sa birthday celebration ni Nay Lolit.

May taping pa siya nung Linggo sa weekly show niyang Cayetano in Action with Boy Abunda kasama sina Sens. Allan Peter at Pia Cayetano, pero iniwan niya sandali para matuloy ang birthday interview niya sa dating kasama sa Startalk.

Feeling nga niya baka siya pa ang maunang maiyak, pero si Nay Lolit ay pinipigilan ding maiyak, na mabuti at nairaos daw niya ang buong party na hindi siya napahagulgol nang iyak.

Marami ang natuwa sa ‘harbat party’ ni Nay Lolit at type na raw gayahin ng iba na parang fund-raising para sa charity.

Ayan! May pauso na naman si Manay Lolit na ‘harbatan’ sa birthday party.

vuukle comment

APRIL BOY

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with