^

PSN Opinyon

EDITORYAL — ‘Malaking isda’ sa Pharmally, bingwit na?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � �Malaking isda� sa Pharmally, bingwit na?

NAGLAHO na ang COVID-19 pandemic pero ang kontrobersiyang may kaugnayan dito ay nananatili pa at bago pa lamang nahahalukay ng Office of the Ombudsman. Ngayon pa lamang lubusang gumagalaw ang Ombudsman laban kay dating DOH Secretary Francisco Duque III at Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao. Kamakalawa, ipinag-utos ng Ombudsman na kasuhan sina Duque at Lao kaugnay sa illegal na paglilipat ng P41.46 bil­yong pagbili ng COVID-19 supplies at mga kagamitan noong 2020 habang may pandemya.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, dahil hindi na maaring ipataw pa ang dismissal kina Duque at Lao, ang kaparusahan na maaring­ ipataw sa mga ito ay katumbas ng kanilang suweldo ng isang taon na kailangang bayaran sa tanggapan ng Office of the Ombudsman. Ang desisyon ay nilagdaan ni Martires nitong Mayo 8, 2024.

Matatandaan na noong Agosto 2023, ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa puwesto at pagsasampa ng kaso laban kay Lao at Overall Deputy Ombudsman Warren Lex Liong dahil sa maanomalyang pagbili ng bilyong pisong halaga ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corp. noong 2020.

Napatunayan ng Ombudsman na dapat sampahan ng kaso sina Lao at Liong at iba pang opisyal at empleyado ng PS-DBM. Kasama rin sa sinibak sa puwesto si PS-DBM procurement management officer Paul Jasper de Guzman. Kinuwestiyon noon ng mga senador kung bakit hindi kinasuhan ng plunder si Liong. Binatikos din kung bakit hindi kasama sa kinasuhan si dating presidential adviser Michael Yang, associate nito na si Lin Wei Xiong at asawang si Rose Lin. Si Yang ay presidential adviser ni dating President Rodrigo Duterte.

Ang mga Pharmally officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina President Twinkle Dargani, treasurer and secretary Mohit Dargani, directors Linconn Ong at Justine Garado at board member Huang Tzu Yen.

Ang iba pang PS-DBM officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina Christine Marie Suntay, Webster Laurenana, August Ylagan, Jasonmer Uayan at Krizle Grace Mago.

Talamak ang katiwaliang pinasok ng PS-DBM officials kasabwat ang Pharmally. Sa imbestigasyon, nakopo ng Pharmally ang 26.39 percent ng P42-bilyon na kontrata sa kabila na ang capital nila ay P625,000 lamang.

Sa pagkilos ng Ombudsman, dito na kaya mag­wawakas ang maanomalyang transaksiyon o may mga “malalaking isda” pa na dapat bingwitin?

vuukle comment

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with