^

PSN Showbiz

Kamag-anak nina Yeng, Robi at ex Mayor Eusebio susubukan ang showbiz!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kamag-anak nina Yeng, Robi at ex Mayor Eusebio susubukan ang showbiz!
Jace Eusebio

Iba talaga ang attraction ng showbiz.

Ang dami talagang gustong mag-artista.

At ang latest na sumabak na rin sa showbiz ay ang 20-year-old na si Jace Eusebio, kamag-anak nina Robi Domingo at Yeng Constantino at apo ni dating  Pasig Mayor Vicente “Enteng” Eusebio.

Isa ang second year Broadcasting student mula sa La Consolacion College sa mga magpe-perform sa Dragons Unleashed concert na nakatakdang ganapin sa May 22, 7:30 p.m., sa Music Museum.

 Gaya ng tita niyang si Yeng, may talent din sa singing si Jace at marunong umarte’t sumayaw.

 Sa pa-pocket interview ng manager niyang celebrity make-up artist/hairdresser na si Bambbi Fuentes, sinabi ng dating commercial model na idol niya sina Aga Muhlach at Daniel Padilla pagdating sa pag-arte.

 Sa mga babaeng artista naman, dalawa sa crushes niya sina Andrea Brillantes at Kathryn Bernardo.

 “Kaya ko po gustong pasukin ang industry kasi si Lord po binigyan ako ng talent. Kung itatabi ko po at ‘di ko ipapakita, sayang po ‘yung binigay Niya sa aking talent. Saka gusto ko rin pong maging inspirasyon sa iba pong tao at magpasaya rin po,” paliwanag ni Jace.

 Ang mga magulang daw talaga niya ang nagpu-push sa kanyang mag-artista noong 10 years old pa lamang siya. Pero dahil likas na mahiyain, nitong pandemic lamang niya na-realize na sayang ang talento niya kung hindi niya ito ipu-pursue.

 At doon na nga niya nakilala si Bambbi sa tulong ng kanilang family friend.

 Bukod kay Jace, handang-handa na ring magpasiklab sa Dragons Unleashed concert ang all-girl group na Ir1zz, pati na sina Shira Tweg, Khai Flores, Christa Jocson, Ruby Garcia, Elle Fernandez, Arjay Ariar at marami pang iba.

 Guest performers naman sina Ice Seguerra, Laarni Lozada, Lipstick Band, atbp. mula sa direksyon ni Vivian Poblete-Blancaflor.

 Para sa tickets, mag-text o tumawag lang sa 0945-6328899. Ang proceeds ng Dragons Unleashed ay para sa benefit ng Servants of Charity.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with