Karampot na bawas presyo sa petrolyo, asahan
MANILA, Philippines — Inaasahan na magkakaroon ng katiting na bawas presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa oil players sa Martes, Mayo 7 ay magkakaroon ng 20 sentimos hanggang 45 sentimos na tapyas sa presyo ng gasolina kada litro, habang 50 sentimos hanggang 70 sentimos ang ibabawas sa diesel kada litro at aabutin ng 60 centavos hanggang 70 centavos kada litro ang ibababa sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang epekto ng nagdaang apat na araw na galaw sa bentahan ng petrolyo ang ugat ng oil price rollback
Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest