^

Metro

Misis, hinambalos sa ulo, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Misis, hinambalos sa ulo, patay!
Kinilala ang biktima na si Cherlly Duero Vivo, 38, at residente ng Road 6, Sitio Kumunoy, Bagong Silangan, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay na ang isang misis, na hinihinalang hinataw ng matigas na bagay sa ulo, nang matagpuan ng kanyang anak sa loob ng kaniyang silid sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Cherlly Duero Vivo, 38, at residente ng Road 6, Sitio Kumunoy, Bagong Silangan, Quezon City.

Batay sa initial report nina PCpl. Philip Callejo at Pat. Jonald Landicho ng Payatas Police Station (PS-13), ng Quezon City Police District (QCPD), alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng kaniyang silid.

Kagigising lang umano ng 13-anyos na anak ng biktima nang maisipang puntahan ang ina sa silid nito.

Laking pagkabigla naman ng anak nang bumulaga sa kanya ang biktima na nakadapa sa kanilang kama at may umaagos pang dugo sa ulo.

Agad na humingi ng saklolo ang bata sa kanilang mga kapitbahay at isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center ngunit patay na ito.

Anang pulisya, posibleng telescopic shock ng motorsiklo ang inihataw sa ulo ng biktima ng ‘di pa kilalang suspek, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Masusi pa namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen, at kung ano ang motibo nito sa pagpatay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with