^

Metro

65-anyos lolo tepok sa ‘heat stroke’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
65-anyos lolo tepok sa �heat stroke�
Nakahubo’t hubad pa nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Elmer Beriña, 65, ng Cristobal St., Sampaloc, Manila.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang lolo na hinihinalang inatake dahil sa matinding init, ang natagpuang patay sa loob ng kanyang tahanan sa Sampaloc, Manila kahapon ng umaga.

Nakahubo’t hubad pa nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Elmer Beriña, 65, ng Cristobal St., Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat ng Sampaloc Police Station 4 (PS4) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ng kanyang mga kasamahan sa bahay ang biktima na wala nang buhay sa ikatlong palapag ng kanilang tahanan.

Ayon sa testigong si Rosalie Palaganas, 46, sari-sari store owner, huli niyang nakitang buhay ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga na nahihirapang huminga at namumutla kasabay na rin ng maalinsa­ngan at matinding init sa Maynila.

Sinabi naman ng kapatid ng biktima na si Nili na magpapa-check-up sana ang kapatid noong Abril 24 ngunit hindi ito natuloy.

Kaagad naman nilang inireport ang insidente sa mga awtoridad.

vuukle comment

HEAT STROKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with