^

Metro

COVID-19 case sa Metro Manila, umakyat ng 19%

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 case sa Metro Manila, umakyat ng 19%
A passenger (C) sits inside a tricycle covered with a reminder to wear a mask, part of the Covid-19 health protocols, in Manila on February 16, 2022.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 19% na pagtaas sa average na ara­wang kaso ng COVID-19 halos dalawang linggo makaraan ang halalan, ayon sa OCTA Research Group.

Pero ayon sa OCTA, nananatili namang nasa “low risk” ang Metro Manila sa kabila ng naitalang pagtaas sa 71 arawang kaso mula Mayo 13-Mayo 19 mula sa dating 59 ng sinundang linggo.

Tumaas rin ang reproduction number ng NCR sa 0.90 mula sa dating 0.76. Ikinukonsidera itong “moderate” mula sa dating “low classification”.

Nananatili naman ang positivity rate sa 1.2% ng ikinakasang 11,476 ave­rage na Covid tests kada araw. Ang hospital rate naman ay nasa 22% sa rehiyon.

Umakyat rin ang isang linggong average daily attack rate (ADAR) sa 0.50 mula sa dating 0.42. “Very low risk” naman umano ito ayon sa OCTA.

Sa kabila nito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na masyadong maaga para magdeklara ng Alert Level 2 sa Metro Manila.

Sinabi ni Duque na patuloy pang magmo-monitor ang ahensya sa pagtaas ng mga kaso at depende kung makikitaan ng sapat na datos para sa pagdedeklara ng mas mataas na alert level.

“Mag-aantay pa tayo hanggang makita natin yung risk classification ay tataas kasi nasa low-risk classification pa rin tayo,” saad ni Duque.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng Department of Health sa publiko na hindi pa bakunado na magpabakuna na at sa mga nagpabakuna na kumuha naman ng booster shot dahil sa bumababang immunity na naiiwasan ng mga Omicron variants.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with