^

Metro

2 ‘tulak’ huli sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� huli sa buy-bust
Kinilala ni QCPD Director B/Gen. Antonio Yarra ang mga naarestong suspek na sina Roseller Lagunday, 42, at Rodel Merino, 31, kapwa residente ng Brgy. Baesa, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang ‘tulak’ sa ikinasang buy-bust operation sa isang basketball court sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni QCPD Director B/Gen.  Antonio Yarra ang mga naarestong suspek na sina Roseller Lagunday, 42,  at Rodel Merino, 31, kapwa residente ng Brgy. Baesa, Quezon City.

Sa ulat ni Maj. Wennie Ann Cale, Officer-in-Charge ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng QCPD, nabatid na dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa isang basketball court sa Upper Pajo, Brgy. Baesa.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang mga tauhan ng DDEU hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t tinarget ang mga ito sa buy-bust.

Kaagad namang inaresto ang mga suspek nang magpositibo ang transaksiyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 11 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ?74,800, buy-bust money, at cellular phone na ginamit sa drug transaction.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with