^

Dr. Love

Pa-macho si Mister

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi po guwapo ang mister ko. ‘Di n’yo naitatanong, maganda ako at kinukuha akong artista noon pero ako lang ang umayaw.

Kaso, matapos ang tatlong taon naming pagsasama ay lumitaw ang nakakainis na ugali ng mister ko. Kahit magkasama kami sa public places, hindi siya nangingiming magpa-charming sa kahit sinong makita niyang magandang babae.

Kahit ‘di kilala ay babatiin at kikindatan sabay sasabihing, “hello, Miss beautiful.”

Sabi niya sa akin, nagbibiro lang siya.

Minsan may nakasalubong kami sa mall na sinabihan niya ng “wow sexy!” Sinagot siya ng babae ng “bastos ka!”

Ako ang napapahiya sa ginagawa niya. Paano ko siya maaawat sa masama niyang ugali?

Marcel

Dear Marcel,

Takutin mo siya na kung hindi niya aalisin ang kanyang kabastusan ay lalayasan mo siya. Isip-bata ang asawa mo kaya pagsabihan mo na mag-mature na.

Nagpakita ka ng galit dahil sadyang pangit ang ginagawa niya dahil nakaiinsulto ito.

Maaaring may secret feeling of insecurity siya dahil maganda ka at siya ay hindi guwapo kaya nagpapa-macho siya sa kanyang  ginagawa sa mga babaeng nakakasalubong niya kahit kasama ka.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with