^

Dr. Love

Nang wala ng kita, Iniwanan ng asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Noon malaking salapi ang kinikita ko. Aaminin ko na involved ako sa ilegal na gawain na hindi ko na sasabihin pa kung ano. Masaya kaming nagsasama ng aking asawa at maginhawa ang buhay namin.

Tawagin mo na lang akong Anjo, 40 anyos at ang misis ko ay si Brenda, 23 anyos. Wala kaming anak.

May negosyo siyang maliit na tindahan at pinagsasama namin ang aming kinikita. Ngunit dumating ang panahong nakakilala ako sa Panginoon Diyos at ang dati kong ilegal na gawain ay tinalikuran ko na. Nag-apply na lang ako bilang ordinaryong empleyado sa isang government office.

Napansin ko na naging bugnutin ang misis ko simula nang lumiit ang aming kinikita. Hanggang isang araw ay na-stroke ako, naparalisa ang kalahati ng aking katawan. Natigil ako sa pagtatrabaho at ang kaunting impok namin ay naubos din.

Iniwanan ako ng asawa ko at sa kabila ng kapansanan ko ay sinikap kong makagalaw para matulungan ko ang aking sarili. Kinupkop ako ng ate ko at maski papaano, tumutulong ako sa pagtao sa kanilang tindahang mag-asawa para hindi ako maging pabigat.

Masaklap ang kalagayan ko ngayon at minsan naiisip kong magpatiwakal. Pagpayuhan mo po ako.

Anjo

Dear Anjo,

Mahalaga ang buhay. Kahit stroke victim ka, may nagagawa ka pa ring kapakipakinabang.Huwag mong isipin ang pagpapatiwakal.

Huwag mo nang ikumpara ang sarili mo ngayon sa dati mong marangyang kabuhayan dahil ma-lulungkot ka lang lalo.

Pinakamabuti na nakakilala ka sa Diyos at nagbagong buhay. Sabi nga, anong mapapala mo kung marami kang pera pero wala ka namang relasyon sa Diyos?

Isipin mo na may nagbukas na bagong kabanata sa buhay mo at napakapalad mo dahil mahal ka ng ate mo at ba-yaw. Sikapin mong manumbalik ang iyong kalakasan upang muli kang makapaghanapbuhay.

Lakipan mo iyan ng taimtim na pa-nalangin na gaba-yan ka lagi ng Diyos sa kalagayan mo ngayon.

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with